今週の動画

MGA SUGATAN SA YAMAGUCHI UMABOT NG 42 DAHIL SA MGA UNGGOY

Tinatayang nasa 42 katao na ang sugatan dahil sa pag-atake ng mga unggoy, na sinasabing mga Japanese macaques, sa Yamaguchi nitong mga nakaraang linggo.
Sa report ng AFP, karamihan sa mga unggoy ay pumapasok sa mga bahay at nanakit habang ang ilan ay kumakain ng mga tanim at ani. Karamihan sa mga sugatan ay nagtamo ng mga kalmot at kagat mula sa unggoy.
Sa panayam ng AFP sa isang opisyal sa Yamaguchi, napapaligiran ang lugar ng mga bundok kung saan maaaring nanggagaling ang mga unggoy ngunit hindi umano karaniwan na umatake sila sa lugar.
Naglagay na ng mga traps at tranquilizer guns ang mga pulis upang mahuli ang mga unggoy ngunit simula Hulyo 8 ay wala pang nahuhuli ang mga ito.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!