DAGDAG NA LIBRENG COVID-19 TESTING CENTERS ITATAYO NGAYONG AGOSTO
Nakatakdang magtayo ng karagdagang testing centers na magbibigay ng libreng COVID-19 tests ngayong Agosto.
Ayon sa ulat ng The Japan News, itatayo ang testing centers sa halos 100 lugar sa buong bansa, partikular na sa mga pangunahing transportation hubs gaya ng JR Tokyo Station at Haneda Airport, sa darating na Agosto 5 hanggang Agosto 18.
Layon nito na hikayatin ang mga mamamayan na sumailalim sa COVID-19 test bago makipagkita sa pamilya at mga kaanak sa darating na bakasyon bunsod ng holidays gaya ng Bon Festival. Hangad ng gobyerno na hindi lalong kumalat ang coronavirus na kasalukuyang tumataas ang bilang kada araw sa bansa.
Kasalukuyang mayroon ng 13,000 libreng testing centers sa bansa na itinayo ng prefectural governments at ang karagdagang testing centers ay idinagdag upang madaling makapagpa-test ang mga bibiyahe.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO