BULKANG SAKURAJIMA SA KAGOSHIMA SUMABOG
Sumabog ang bulkang Sakurajima, na matatagpuan sa Kagoshima Prefecture, nitong Hulyo 24 ayon sa Japan Meteorological Agency.
Dahil dito, itinaas ng ahensiya ang alert level sa bulkan mula level 3 sa level 5 na hudyat para lumikas ang mga residente na malapit dito. Ito ang unang beses na inisyu ang level 5 para sa naturang bulkan.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, wala naman naiulat na nasugatan. Agad naman na ipinag-utos ni Prime Minister Fumio Kishida sa gobyerno na tulungan ang lahat ng mga residente na lumikas at mangalap ng impormasyon kung mayroon man danyos.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO