今週の動画

BILANG NG TURISTA NA BUMISITA SA JAPAN PUMATAK LAMANG SA 1,500

Nasa 1,500 dayuhang turista lamang ang bumisita sa Japan simula nang magbukas ang bansa para sa mga group tours noong Hunyo 10, ayon sa Immigration Services Agency.

Sa ulat ng NHK World-Japan, umabot sa 484,000 ang nakapasok sa bansa hanggang Hulyo 10 o nasa 12,000 katao kada araw. Ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa 20,000 katao kada araw na limit na itinalaga ng gobyerno.

Sa 484,000 na nakapasok ng bansa, 60 porsyento sa mga ito ay mga Japanese citizens habang ang iba naman ay mga dayuhan na negosyante o mag-aaral.

Matatandaan na halos dalawang taon isinara ng Japan ang border sa mga dayuhang turista dahil sa pandemiya. Nito lamang Hunyo ito binuksan para sa mga mamamayan na mula sa 98 bansa kabilang ang Pilipinas.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!