H.I.S. TRVEL AGENCY IBEBENTA ANG SHARES SA HUIS TEN BOSCH RESORT
Plano ng H.I.S. Co, ang isa sa pangunahing travel agency sa Japan, na ibenta ang kanilang shares sa Huis Ten Bosch seaside resort, na matatagpuan sa Sasebo sa Nagasaki Prefecture.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, ang desisyon na ito ay bunsod na rin ng kawalan ng kita ng kumpanya dahil sa paghina ng turismo dala ng pandemiya na umabot na ng dalawang taon.
Inaasahan na aabot sa ilang bilyong yen ang maaaring kitain ng H.I.S. sa pagbebenta ng kanilang shares ng resort, na balak umanong bilhin ng isang kumpanya na naka-base sa Hongkong. Bukod sa H.I.S., plano rin ng iba pang shareholders ng Huis Ten Bosch Co. gaya ng Kyushu Electric Power Co at Kyushu Railway Co. na ibenta ang kanilang shares.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO