3,000 EMPLEYADO NG JAL ILILIPAT SA IBANG BUDGET AIRLINES
Nakatakdang ilipat ng Japan Airlines Co. (JAL) ang halos 3,000 empleyado nito sa kanilang budget airlines dahil sa paghina ng negosyo dulot ng pandemiya.
Sa ulat ng Kyodo News, planong ilipat ng JAL ang ilan sa kanilang mga empleyado sa Zipair Tokyo Inc., ang kanilang budget airline subsidiary, habang ang ilan naman ay mapupunta sa Jalux Inc., na may kinalaman naman sa merchadise sales at iba pang
aspeto ng negosyo.
Ang hakbang na ito ay bunsod na rin ng mas mataas na demand sa lokal na turismo na nanumbalik na umano sa halos 90 porsyento. Nananatili naman na mababa pa sa 50 porsyento ang pagbibigay ng serbisyo sa international travel dahil marami pa rin na mga bansa ang hindi pa nagpapasok ng dayuhang turista.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO