NABIBIKTIMA NG PHISHING SCAMS SA JAPAN DUMARAMI
Dumarami ang bilang ng mga nabibiktima ng phishing scams sa Japan kung saan nakakatanggap ng mga pekeng email o text message ang publiko mula sa umano’y iba’t ibang kumpanya na nanghihingi ng personal na impormasyon.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, ibinunyag ng Fukuoka Prefectural Police na nawalan ng 200,000 yen sa kanyang bangko ang isang biktima, na itinago sa pangalan na Keiko, matapos na irehistro ang kanyang bank account at credit card numbers sa natanggap niyang email na mayroong link.
Sa tala ng Tokyo-based Council of Anti-Phishing Japan, tinatayang nasa 526,500 ang naitalang kaso ng ganitong uri ng scam nitong 2021, na 50 beses mas mataas kumpara noong 2017 na nasa 9,800 lamang.
Payo ng mga eksperto na busisiin mabuti ang mga ganitong emails at kung maaari ay huwag nang i-click ang mga nakapaloob na links. Mas mainam din umano na sumangguni sa mga opisyal na websites o apps ng mga bangko, mobile carrier, at iba pang kumpanya.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO