今週の動画

TRAVEL SUBSIDY PROGRAM NG JAPAN SINUSPINDE

Pansamantalang sinuspinde ng gobyerno ng Japan ang pagpapatupad ng travel subsidy program na nilikha para maitaguyod ang turismo at ekonomiya ng bansa. Ang pagsuspinde ay bunsod na rin ng tumataas na bilang ng COVID-19 sa bansa.

Sa ulat ng Yomiuri Shimbun, sinabi ni Land, Infrastructure and Transport Minister Tetsuo Saito 

na plano nilang iimplimenta ang pinalawak na travel subsidy program ngayong unang linggo ng Hulyo ngunit kanila munang pag-aaralan kung kailan ito muling itutuloy.

Patuloy naman na ipapatupad hanggang sa Agosto ang kasalukuyang travel subsidy campaign ng gobyerno. Subalit, nakasalalay umano sa bawat prepektura kung ipagpapatuloy pa ito hanggang Agosto o agad na itong kakanselahin.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!