UNANG KASO NG BAGONG OMICRON SUBVARIANT BA.2.75 KINUMPIRMA NG JAPAN
Kinumpirma ng Japan na nagpositibo sa bagong Omicron coronavirus subvariant BA.2.75 ang isang babae na nasa edad 40s at mula sa lungsod ng Kobe noong Hunyo 24.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, pumunta ang babae sa pagamutan upang magpatingin matapos na magkaroon ng ubo at lagnat. Agad namang nagsagawa ng genome analysis ang mga opisyal at nakumpirma na ito nga ang bagong BA.2.75 strain ng BA.2 Omicron subvariant.
Hindi umano umalis ng Japan at walang nakasalamuha na mula sa ibang bansa ang babae. Matatandaan na unang nakumpirma ang BA.2.75 strain sa India noong nakaraang buwan. Wala pang malinaw na impormasyon tungkol sa naturang strain at kung gaano ito kabilis makahawa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO