今週の動画

JAPAN IPAGPAPALIBAN ANG TRAVEL SUBSIDY PROGRAM MATAPOS MAGTALA NG 76,000 KASO NG COVID-19

Bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, nagpasya ang gobyerno ng Japan na pansamantalang ipagpaliban muna ang pag-iimplimenta ng travel subsidy program, na isinusulong para hikayatin ang mga mamamayan nito na magbiyahe sa bansa.
A
yon sa Kyodo News, ang pagpapaliban ay bunsod na rin nang tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na pumatak sa 76,000 nitong Hulyo 12, mas mataas nang doble kumpara noong nakaraang linggo. Nalampasan nito sa unang pagkakataon ang naitalang 70,000 simula Marso 3.
Wala namang balak ang gobyerno na maghigpit muli o mag-implimenta ng mas istriktong health safety protocols kahit na ipinagpaliban ang travel subsidy program. Inaasahan na mas tataas pa ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong summer.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!