IKA-PITONG ‘COVID-19 WAVE’ NARARANASAN NA NG JAPAN
Kinumpirma ni Shigeru Omi, ang namumuno sa COVID-19 experts panel ng gobyerbo na ng Japan, na nasa ika-pitong “coronavirus wave” na ang bansa bunsod ng kumakalat na BA.5 subvariant ng Omicron.
Sa ulat ng Kyodo News, sinabi ni Omi na mabilis na makahawa ang naturang subvariant ngunit wala pang plano ang gobyerno na magpatupad ng bagong patakaran o paghihigpit kontra COVID-19. Pinayuhan ni Omi ang mga mamamayan ng Japan na sundin pa rin ang pangunahing health safety protocols na kasalukuyang ipinapatupad ng gobyerno.
Nito lamang Hulyo 11 ay tumaas sa 37,143 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, mataas ng 120 porsyento kumpara noong kaparehong araw noong nakaraang linggo. Nagtala ang Tokyo ng 6,231 mga bagong kaso habang pumatak naman sa 2,515 sa Osaka.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO