COUNSELING HOTLINE BINUKSAN SA NARA PARA TULUNGAN ANG MGA NA-TRAUMA SA PAGKAMATAY NI ABE
Nagbukas ng counseling hotline ang Nara para sa kanilang mga residente na na-trauma sa sinapit ni dating Prime Minister Shinzo Abe, na binaril habang nagbibigay ng talumpati sa lugar.
Sa ulat ng Kyodo, magbibigay ng konsultasyon ang pampublikong health center sa lungsod araw-araw hanggang Hulyo 15. Pinaalalahanan din ng mga eksperto ang publiko, partikular na ang mga bata at mayroong mental health issues, na iwasang panoorin ang kumakalat na shooting video ng insidente.
Matatandaan na nagbibigay ng talumpati si Abe sa mga residente ng Nara malapit sa Yamato-Saidaiji Station ng Kintetsu Railway nang barilin ito ni Tetsuya Yamagami, 41 at residente rin ng Nara nitong Hulyo 8. Idineklarang patay si Abe noong hapon din na iyon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO