TATLONG BATA AKSIDENTENG NASUNOG ANG 38 BIKES SA TOKYO
Dinala ang tatlong batang lalaki na nasa elementarya sa isang child consultation center matapos na masunog ng mga ito ang 38 bisikleta at motorsiklo noong Mayo 10 sa Tokyo.
Sa panayam ng Mainichi Shimbun sa Metropolitan Police Department’s Totsuka Police Station, naglalaro ng apoy ang tatlong bata gamit ang posporo, sa parking lot ng isang apartment block sa Shinjuku Ward, nang aksidente umanong nasindihan ang isang motorcycle cover. Agad na kumalat ang apoy na dahilan sa pagkasunod ng 38 bisikleta at motorsiklo na nakagarahe roon.
Umamin ang tatlong bata sa alegasyon laban sa kanila.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO