今週の動画

PM KISHIDA IPAGPAPALIBAN ANG BAGONG TRAVEL SUBSIDY PROGRAM DAHIL SA PAGTAAS NG BILANG NG COVID-19

Plano ni Prime Minister Fumio Kishida na pansamantalang ipagpapaliban ang bagong travel subsidy program na ipapatupad sana ng gobyerno ngayong Hulyo. Ito ay dahil sa tumataas na muli ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa ulat ng Kyodo. 

Nagtala ng 5,302 bagong kaso ng COVID-19 sa Tokyo nitong Huylo 5, na halos doble ang bilang kumpara noong nakaraang linggo. Pumatak naman sa sa 36,189 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa, mas mataas ng 80 porsyento noong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng bagong subsidy program, magbibigay ang gobyerno ng 11,000 yen kada araw sa bawat mamamayan na bibiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ay ibibigay sa pamamagitan ng discounts at coupons na maaaring gamitin sa pagkain sa restaurants, pamimili, at iba pa.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!