PRESYO NG SAGING MULA SA PILIPINAS PLANONG ITAAS SA JAPAN
Mariing hiniling ni Philippine Embassy Agricultural Attaché Jose Laquian sa Japan Retailers Association na taasan ang presyo ng saging na inaangkat sa Pilipinas ng Japan partikular na sa mga supermarkets.
Ito ay upang matulungan ang industriya ng popular na prutas na naapektuhan bunsod ng pagbaba ng halaga ng yen at kawalan nang sapat na kita ng mga Pilipinong magsasaka. Ayon sa ulat ng Kyodo News, huling nagtaas ng presyo ng saging ang Japan noong 2015 na papatak sa 260 yen.
Ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier ng saging sa Japan na tinatayang nasa 76 porsyento o 844 milyon tonelada noong 2021. Sinundan ito ng Ecuador na nasa 11 porsyento at Mexico na nasa 6.6 porsyento.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO