今週の動画

250,000 YEN NA SUBSIDY IBIBIGAY NG JAPAN SA MGA NAIS MAG-ARAL NG NIHONGO

Handang magbigay ng 250,000 yen subsidy ang Tokyo Metropolitan Government sa mga dayuhang manggagawa na nais matuto ng wikang Hapon o Nihongo. Ito ay upang mahikayat ang mga dayuhang manggagawa na manirahan at magtrabaho sa Japan.
Target ng programang ito ang mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa maliliit na kumpanya, maliban sa mga nakapasa na sa N1, ang pinakamataas na antas ng Japanese proficiency test.
Maaaring mabigyan ng subsidy ang mga dayuhang manggagawa na direktang naka-empleyo sa kumpanya at mayroong residence status. Napapaloob sa subsidy ang bayad sa training programs at sa guro, pati na rin ang mga materyales na gagamitin. Kailangan din na aabot sa kabuuang 50 oras o mahigit pa ang training na dadaluhan upang makuha ang subsidy.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!