今週の動画

COVID-19 ALERT LEVEL 3 ITINAAS NG JAPAN

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa nitong mga nakaraang linggo, itinaas ng Tokyo Metropolitan government sa alert level 3, ang ikalawang pinakamataas na alert level sa bansa. Ito ay upang mahikayat na rin ang lahat ng mga mamamayan na magpabakuna.

Ayon sa tala, umabot na sa 3,621 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tokyo sa loob ng isang araw. Ito ay mas mataas ng 1,200 kumpara noong nakaraang linggo. Sa kabuuan, mayroong 23,448 kaso sa buong bansa na mas mataas naman ng 6,700 kumpara noong nakaraang linggo.

Ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa Japan ay bunsod ng BA.5 strain ng Omicron na siyang sumunod na nakakahawa pagkatapos ng BA.2 subvariant. Tinatayang 25 porsyento ng mga nagkakasakit ng COVID-19 ngayon ay dahil sa BA.5 strain.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!