20,000 YEN NA HALAGA NG ‘MINA POINTS’ MAAARING MAKUHA SA MY NUMBER CARD
Simula ngayong Hunyo 30, maaaring makakuha ng hanggang 20,000 yen na halaga ng “Mina Points” kapag nag-apply ng My Number card.
Sa pagkuha pa lamang ng My Number Card ay mayroon kaagad makukuha na 5,000 puntos at maaari pa itong madagdagan ng 7,500 puntos kung irerehistro ang My Number card bilang “health insurance card” o kaya naman bilang “public money receiving account.” Maaari rin makakuha ng 7,500 puntos kung irerehistro ang My Number card sa cashless payment.
Matatandaan na inaprubahan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagbibigay ng puntos sa My Number card upang mahikayat ang lahat ng mga mamamayan na may resident card na kumuha at gamitin ito upang mapataas ang pagkonsumo ng mga produkto sa bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO