今週の動画

BILANG NG MGA BIKTIMA NG HEATSTROKE SA JAPAN TUMATAAS

Umabot sa 4,551 ang bilang ng mga nabiktima ng heatstroke nitong huling linggo ng Hunyo kung saan apat na katao na ang namatay. Ang naturang bilang ay mahigit sa tatlong beses na mas mataas kumpara noong ikatlong linggo ng buwan.

Batay sa tala ng Fire and Disaster Management Agency, pinakamaraming biktima ng heatstroke ay nagmula sa Tokyo na may 458. Sinundan ito ng Saitama na may 397, Aichi na may 277, at Osaka na may 272.

Sa kabuuang bilang na naitala, 2,458 o 54% ay nasa edad 65 pataas habang nasa 319 katao naman na nadala sa ospital ay mula sa mga paaralan kabilang ang ilang mga estudyante na nasa elementarya, junior at senior high school.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!