今週の動画

DAYUHANG TURISTA MAAARING MAKAPASOK NG JAPAN SIMULA HUNYO

Nagsimula nang tumanggap ng mga dayuhang turista noong Hunyo 10 ang gobyerno ng Japan na may layunin na muling buhayin ang turismo sa bansa matapos ang pandemiya.

Papayagan ang mga turista na mula sa Estados Unidos, Australia, Thailand at Singapore na makapasok sa Japan sa pamamagitan ng package-tour na aprubado ng bansa.

Umabot sa 31.88 milyon ang mga turistang bumisita sa Japan noong 2019 ngunit bumagsak ito sa 245,900 noong 2021 dahil sa mga safety protocols na ipinapatupad dahil sa COVID-19. Nais ng Japan na makahikayat ng 60 milyong turista sa bansa pagdating ng 2030.

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル

Follow me!