今週の動画

PINOY NAAKSIDENTE HABANG LASING SA FUKUOKA

Naaresto ng mga pulis ang isang Pilipino, na hindi pinangalanan, sa Chikugo City, Fukuoka matapos na maaksidente habang nagmamaneho ng lasing.

Bumangga ang Pinoy, 28 at isang empleyado, sa isang kurbada. Agad na tumakas ang suspek ngunit nahuli ito ng mga pulis matapos ang isang oras nang maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, apat na beses na mas mataas sa pinapahintulot ng gobyerno ng Japan ang alcohol level nang isagawa ang test sa Pinoy. Umamin ang suspek sa ginawa nitong paglabag sa batas kinalaunan.

Follow me!

この記事を書いた人

アン ペドリガルアギナルド ロッシェル
アン ペドリガルアギナルド ロッシェル