CHINESE WORKER SA JAPAN, UNANG NABIGYAN NG SSW 2 VISA
Natanggap ni Weng Fei, isang 35-taong-gulang na Chinese na nagtatrabaho sa isang construction company sa Gifu, ang Specified Skill Worker Type 2 visa, mula sa gobyerno ng Japan. Si Weng ang kauna-unahang dayuhang manggagawa sa Japan na nabigyan ng ganitong klase ng visa.
Sa ilalim ng visa na ito, maaaring manirahan at magtrabaho sa Japan si Wei hanggang sa gusto niya at maaari rin niyang dalhin sa bansa ang kanyang pamilya.
Naipasa ng Parliament ang pagbibigay ng visa na ito sa mga dayuhan noong Abril 2019. Sa pulisiyang ito, maaaring mag-apply ang ilang mga dayuhan mula sa 14 industriya ng Specified Skilled Worker Type 1 at ang makakakuha naman nito na mula sa industriya ng construction at shipbuilding ang maaaring mag-apply ng Specified Skill Worker Type 2.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2022/09/07Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40
- News(Tagalog)2022/09/06LALAKI ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW
- News(Tagalog)2022/09/05PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO
- News(Tagalog)2022/09/02MAGNANAKAW NG PANLOOB NA DAMIT NG BABAE ARESTADO